Skip to main content

Posts

Showing posts from July, 2010

Sa facebook Idadaan Aking Sinta

Sana iyong mapansin aking sinta
"Status message" ko sa facebook
Sayo pinipilit kong maging makata
Sa bahay nagbabasa ng pocketbook

Sa iyong comment ako ay naka-abang
Pero ni “Like” hindi mo pa mapindot
Hay! Buhay para na akong mabubuwang
Aking mundo sa iyo na lang umiikot

Hintayin mo lang aking diwata
“Note” naman ang sunod kong susubukan
Baka kasi "status" ko di mo lang makita
Dahil sa dami ng iyong mga kaibigan

At kapag hindi pa rin nagbunga
“Send Message” na ang aking gagamitin
Siguro naman iyo ng mababasa
Kung sakali man, bahala na si Batman.

Dulot ng Masamang Hangin

Isang gabing sobrang init
sa sakit ako ay namimilipit
pinagpapawisan ng malagkit
hawak ang tiyan ng mahigpit

Ano kaya't kay hapdi
pakiramdam ko'y di mawari
di naman ako makapanisi
kagat ko na aking daliri

Sa higaan di mapakali
bumangon ng dali-dali
sa banyo nagbaka-sakali
sana nga sakit ay mapawi

Pag-upo sa tronong puti
sa aking pagmamadali
masamang hangin sumirit
pakiramdam ko'y langit

Amfutsa! utot lang pala
ako'y pinahirapan at nagdusa

Ang Problema sa Pinoy

masyado tayong pinagpala sa karunungan..
walang aamin ng mali
walang susunod sa batas
kasi kayang lusutan
gawin mo ito, may mali
gawin mo iyon, may mali pa rin
pero sa sarili di maamin ang kamalian
nailuklok si "Totoy" sa pwesto
sasabihin di deserving
kasi walang diploma
bakit ko siya susuportahan
nailuklok si "Neneng"
sasabihin sobrang dunong
magpapayaman lang yan.
kapag baha isisi sa gobyerno
pero pagtapon ng basura sa estero
kagagawan mo naman.
Sasabihin Taxpayer ako
wala namang TIN no. pati ng sedula
aktibista puna ng puna
kakulangan naman di mapunan
kapag pulis namatay walang karapatan
kapag kriminal napatay human rights violations
lahat ng pulitiko sawsaw
Tindero may daya ang timbangan
bumibili dala ay huwad na pera
mga adik satin may bago ng bansag
Social user lang daw sabi ng ama
Dating pangulo ngayon nasa kongreso
Pinatalsik na pangulo muntik ulit manalo
at dami pa...

Tawag ng Laman

Si Estong balikbayan
galing ng bansang Oman
kilalang isang mayaman
laging bida sa umpukan

Pumunta sa bayan minsan
si estong na aking kaibigan
at kanyang nasumpungan
sabungerong si Esteban

Isang mahabang kumustuhan
pero isa rin ang hantungan
sa malapit na sabungan
silang dalawa'y nagkayayaan

Doon, Estong ay may nasilayan
si Nicole, di tunay na pangalan
kagyat niyang kinindatan
babaeng pinagpala sa kagandahan

Estong kay esteban nagpaalam
meron yatang gustong ilaban
at sa paglabas ng sabungan
Nicole kanya na niyang tangan

Pagkatapos ng kainitan
at matinding bakbakan
Estong nakatulog ng tuluyan
maraming oras ang nagdaan

At sa kanyang pagmulat
siya ay nabigla't nagulat
Nicole at kanyang wallet
Di na niya mahagilap

Biglang tayo sa higaan
asawa niya dapat nyang tawagan
pero BlueBerry nya di matagpuan
Nadale siya ng reyna ng Ativan

Pano na Estong mayaman?
kwarto ay di mabayaran
Naisahan ng magandang kawatan
lugmok ka ngayon sa kahihiyan

Isang buwan ang nagdaan
si Estong balikbayan
umi…

Sa Muling Pagbangon

Sa aking pansamantalang pagkariwara
Sa mundong sarili kong katha
Sana sa pagbabalik, galak at tuwa
Sa akin ay maging sagala

Sa dilim ng aking kinalagyan
Mga impit kong dalangin
Sa Kanya ko ipinarating
Mga usal kong adhikain
Sa Kanya ko na ipinalilim.

Ningas ko man ay panandaliang nanamlay
Munting baga ay nanatiling buhay
At sa aking pagnilay-nilay
Pag-aalabin muli apoy na aking taglay
Bagong Pag-asa aking pinapanday.

Sikat ng araw akin ng tanaw
Adhikain ang aking magiging gabay
Sa pamilya pangarap ay magandang buhay
Pagmamahal ang siyang tulay
Tungo sa nalalapit na tagumpay

Dakilang Bayani

Sa bawat daan na iyong tinahak
Sa mga luha sa mata mo pumatak
Sa katawan mong pagod at batak
Sa pamilya mong muntik mawasak

Sa bawat mga araw na lumilipas
Sa yugto ng buhay mong nalalagas
Sa damdamin mong nagagasgas
Sa mga nagdaraang mga oras

Saan ka kaya patutungo?
Sino kaya ang sa luha magpapatuyo?
May hahagod kaya sa katawang hapo?
Manitili kayang pamilya mo ay buo?

Araw na lumipas maibabalik ba?
Makikita ba mga sandaling nawala?
Kaya pa ba sa bigat ng iyong dala?
Oras na nagdaan mapapalitan ba?

Mga Bagong Bayani....Ipagbunyi inyong kadakilaan..

Di Man Maging Ganap

Ako ay tuliro
Di maintindihan yaring puso
Bakit ako nalilito
Kapag ika'y kausap ko

Hindi ka man abot
Dahil ika'y nasa laot
Ano man ang suot
Pag-ibig ko ika'y ibabalot

Hindi ko hinahanap
kahit ano mang pagtanggap
Tabing man ay alapaap
Maalala ka lang, saya ay ganap

Iyo sanang ipagpatawad
Kung ikaw ay aking nakaladkad
Pero ako sa iyo'y di huwad
Masamang nasa, ako'y walang hangad

Tunay kitang mahal
Kaya ika'y ilalagay sa pedestal
Huwag ka lang hahatol
Na ako sa iyo ay masahol

Alay ko ay pag-big
Di kailangan ng iyong dilig
Dahil ako mismong kakabig
Kung ito ay di mo ibig