Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2010

Tamis ng Unang Pag-ibig (Ika-2 Yugto)

Aking mundo na kay pait at kay lumbay
Sa isang iglap napuno ng buhay
Ang paligid ko ay nagkaroon ng kulay
Sa saya naitaas dalawa kong kamay

Kinapa ko aking telepono sa bulsa
Aking tinawagan mahal kong pinsan
Inayang sa linggo kami’y magsimsimba
Kasama ang maganda niyang kaibigan

Umaga ng linggo, sa banyo’y umaawit
Nakalutang dahil sa inaasahang pagkikita
Margarita na aking irog at nilalangit
Akin ng inaasam aming unang pagsasama

Damit ay pinasadaan, pati buhok plantsado
Sapatos na naka-kahon pa, akin ng isinuot
Puso ay parang kumakawala sa dibdib ko
Iniisip pa lang, labis nang ligaya ang dulot

Paglabas ng bahay, noon ko lang napagtanto
Wala nga pala akong gagamiting sasakyan
Hiya’y kinalimutan, takbo ako kay pareng Ambo
Aking pasasalamat at siya’y aking naabutan

Tamis ng Unang Pag-ibigTamis ng Unang Pag-ibig (Ika-3 Yugto, Ang Pagtatapos)

Palabas Sa Loob

Hala hayan na at biglang tumutulo
Mga luha sa mata na pang gulo,
Habang pinapanood mga iyakan at away
Sa dramang tinututukan ng walang humpay.

Mas dama mo pa ang init ng palabas
Kesa sa isinusubong kanin at patatas,
Di mo na naririrnig si Junior na umiiyak
Kasi ang TV ay mas maingay yun ang tiyak.

Inday hindi ka pa ba nagsasawa
Sa bawat eksenang kanilang ginagawa,
Na kinopya lamang sa mga dati pang palabas
Paulit ulit at pabalik balik na parang walang wakas.

Drama dito drama doon walang ibang pinanood
Kahit mangapitbahay mapanood lang ng sunod sunod,
Drama dito drama doon mga istasyon palaging ini-ere
Pati si Shaider winasak na parang mumurahing yukulele.

Wala kanang ibang ginawa kundi manood ng drama
Pamilya, kapitbahay pati pusa nadamay at nahawa,
Di pa nakontento pati boratsero niyayang manood
Sige nood kahit nakaupo nakatayo o nakaluhod.

Ngayon pati ikaw naging isang drama
Konting biro lang di kana mapatawa,
Lahat ng bagay siniseryoso ng buong todo
Sa tingin ko'y kailangan mo …

Palaisipan

isang sikat na libangan
dito sa ating tambayan
tara nang sagutan
ang palaisipan

mga simpleng salita
na humahasa sa memorya
mula sa panitikan
hanggang sa pelikula

anim na letra pahalang
sigarilyo ng tikbalang
baka hindi mo pa alam
kung ano ang kabisera ng Guam

kailangang magkatugma
ang isasagot mo pababa
dahil kung hindi tama
malamang ika'y magbura

huwag kang mandaraya
na abangan bukas ang resulta
o kaya naman ay manghula
dahil sagot mo'y mali mali na

itong tula ay alay ko sa mahal kong ina
na palaisipan fanatic mula pagkabata
huwag mo lamang iistorbohin
at baka ika'y sa dyaryo'y hampasin

Katha Ni: Makatang Kiko

Anghel

Tingin ko sayo noon ay anghel sa langit
Sa akin ika'y lumapit at akoĆ½ inakit
Subalit nagulat sapagkat sa pwet ko nakakapit
Nang aking namalayan wala na ang aking wallet

Sa taglay mong ganda ay di nagsasawa
Nilalanghap ang halimuyak sa iyong pagbukaka
Subalit di makapaniwala sa aking nakita
May for-sale na nakasulat sa iyong bukana

Katha Ni: Omar

Tamis ng Unang Pag-ibig

“Anghel sa lupa”, ang aking nasambit
Nang masilayan ko tamis ng iyong ngiti
Kahit na sandali parang nasilip ko ang langit
Nalimutan ko hinanakit at pagdadalamhati

Panandalian akong napako sa kintatayuan
Pinilit kong ibuka aking mga putlang labi
Para masagot binitawan mong katanungan
Masaklap ako’y natisod at napangiwi

Sa aking pagkapahiya, pinilit kong ngumiti
Pagtingin ko sayo, hagalpak ka sa kakatawa
Naglapat ang ating mga mata sabay bawi
Mayroong parang kung anong kurot na nadama

Iyon na pala ang simula ng mahabang gabi
Dahil sa tuwina ikaw ang pinapapangarap ko
Di ko malimutan hugis puso mong mga labi
Heto na, nangyari na, tuliro yaring puso

Sumunod na mga araw, sa aking pagtatanong
Aking nalaman, dayo ka pala sa aming bayan
Isa o dalawang buwan ika'y magbabakasyon
Nagkataon, kaibigan mo pala aking pinsan

Ikalawang Yugto

PANAGINIP (By: Liberty Hipolito)

Sa pagpikit ng aking mga mata
Larawan mo ang laging nakikita
Mukha mong tila nagpapaalala
Sa panahong ating pinagsama.

Gabi gabi tila ikaw ay kapiling
Halos wala na akong mahiling
Regalo mo sa aking singsing
Laging mata duo’y nakatingin.

Matamis mong pagsinta
Ang sa akin ay nagpapasaya
Mga pangakong kayganda
Tila hindi na matatapos pa.

Ngunit dumating ang panahon
Parang isda na sa tubig ay umahon
Tulad ng pakong naalis sa pagkakabaon
Saan kaya tayo dadalin ng pagkakataon?

Kayhirap ng ganitong malayo ka na
Hindi na kailanman makakasama pa
Alaala na lang sa tuwina
Sa panaginip na lang hihintayin ka…

Babae sa Tabing-Dagat

Kahapon lang kay saya mong pagmasdan
Sa akin pa ay bumati at ikaw ay kumaway
Kay ganda ng iyong ngiti ng aking masilayan
Ngiti na mananatili sa gunita ko nakatunghay

Nitong umaga, binati kita't ako ay kumaway
Humarap ka sa akin, mga mata mo ay luhaan
May hawak kang liham na basa sa luha sa kamay
Ginusto kong lapitan ka at ng aking madamayan

Kinagabihan ikaw ay nasa inyong beranda
Mag-isang nakaupo, sa malayo nakatingin
Siguro'y naghihintay sa pagdating ng iyong sinta
Pero walang dumating hanggang sa ikaw ay antukin

Sumunod na umaga, di na kita matagpuan
Hinagilap kita, naghanap kung saan saan
Sa tabing-dagat ikaw ay aking nasumpungan
Ang kabilang ibayo nais mong mapuntahan

Sapat na ang aking nasaksihan, di na kayang tikisin
Wala na akong alintana, sasabog na aking dibdib
Tumakbo ako ng mabilis, mula sa likuran ika'y kinabig
At kapwa lumuluhang lumuhod sa mainit na buhangin.

Siya na Aking Ina

Siya na nagluwal sa akin
Na umantabay sa aking kamusmusan
Siya na nagmahal sa akin
Ng wagas at walang alinlangan

Siya na nagbigay buhay sa akin
Handang ialay buo niyang sarili
Siya na palaging nakabantay sa akin
Na nagpakasakit sa aking paglaki

Siya na naghihintay sa akin
Sa gabi, sa alanganing oras na pag-uwi
Siya na nagbibigay lakas sa akin
Sa tuwing ako’y malapit ng magapi

Siya na naniniwala sa akin
Kahit ako’y tinatalikuran ng lahat
Siya ang nag-aalalay sa akin
Kapag nadadapa’t nakakalimot

Siya ang nagsilbing tala
Sa panahon na madilim
Siya ang aking mahal na ina
Na naging huwaran sa akin

Puna

Wala ni isa mang nabubuhay sa mundong ito na malinis, kaya bago mo punahin ang dungis ng iba, humarap ka muna sa salamin. Di na magandang tingnan ang natuyo mong muta sa mata. Maghilamos ka nga!


Huwag mong sabihin na ginawa mo ng lahat sabay taas ng dalawang kamay. Dahil kung nasubukan mo ng lahat disin sana'y wala na yang buhok mo sa kili-kili.

Lumipad at Mangarap

Daan tungo sa tagumpay ay lubhang matarik
At marami ang sa iyo ay pilit na hahatak
Huwag mawalan ng pag-asa, huwag iiyak
Mahal mo sa buhay pataas ika'y itutulak

Linangin mo ang taglay na kakayanan
Gaya ng mamahaling bato at hiyas
Na kailangang kiskisin para kuminang
Di magtatagal at ikaw ay papaitaas

Huwag sumuko, huwag itigil ang laban
Tagumpay ay halos abot mo na
Pumailanglang, panatilihin ang Lipad

Sabi nga nila tiyaga ang kailangan
Haluhan mo ng sipag at dalangin
Mga pagdududa ay dapat lupigin
Makakamit ang magandang hangarin

May mga panahong walang kasing hirap
Pero sino ang nagsabing ang buhay ay madali?
Pintuan ay bukas, maging maagap
Dahil sa kabila nito'y kaligayahang di malilip

Huwag sumuko, huwag itigil ang laban
Tagumpay ay halos abot mo na
Pumailanglang, panatilihin ang Lipad

Kapag ang iyong mga pangarap ay napakasamay na
Huwag kailanman kalimutang lumingon
Ikaw naman ang sa iba ay luminga
Tulangan mo ang iba sa kanilang pagbangon

Ngayon na nasa rurok ka na ng ta…