Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2010

Sa Panaginip na Lamang

Kay gandang pakinggan
Huni ng mga ibon
Dama ko ang kapayapaan
Isip ay walang agam-agam

Sa wari ko ay paraiso
Tilamsik ng tubig sa talon
Pagsilip ng araw sa mga dahon
Mapag-anyayang balon

Sariwang hangin na dumadantay
Tunog ng tubig na dumadaloy
Sa ilog, o kay sarap lumangoy
Sabay sa agos na kay lumanay

Payapang nilalang na nakataghoy
Nakakubli sa mga punong-kahoy
Sa bawat hakbang, aking naamoy
Halimuyak ng mga blulaklak na ligaw

Sa aking pag-gising, panghihinayang
Dahil kailanman din na mararanasan
Mga masasayang araw na nagdaan
Nang kaulayaw pa ang inang kalikasan

Di Ka Nag-Iisa

Nasa madilim na sulok, nagtatanong
nakaluhod at mag-isang umiiyak
kalaguyo ay mga maitim na anino
nagdadalamhati sa pangarap na nawasak

Sana nga ay may mga sagot
mga tanong na gumugulo sa isipan
katinuan sana ay huwag malagot
makita mo sana ang tamang daan

Kaibigan iyong iwaglit ang poot
piliting muling makabangon
tumingin ka sa malawak na laot
maghintay, darating ang ambon

Kasawian ay bahagi ng buhay
huwag mong isiping nag-iisa ka
dahil ano't ano pa man, may dadamay
kaantabay nagmamahal na pamilya

PAG-IBIG AT PAKIKIBAKA ‘kay KASAMA

may mga pandamang
pilit sa sarili'y kumakalas,
dahil, marahil and damdami'y
may sariling dunong at kusa
sinusuong, katunggali man niya'y
panahon.

panahon, na sa sarili ma'y kumakalas din,
naglalakbay ng kusa,
dahil walang nilalang ang
sa kanya'y magdidikta,
kahit pa ang gahiganteng kamay na bakal.

At kagaya ng pandama
na inialay ko sa'yo,
pilit ko mang ikahon ay
kusang kumakalas,
sumasabay sa bawat paghakbang
ng mga adhikaing lumaya...

bagama't,
hatid nito sa aki'y
panibagong kaisipan.
Hindi nang aking sarili,
kundi'y higit pa sa layuning
siya ay paglingkuran.

ito na marahil ang pandamang
pilit kong hahawakan,
dugo man sa alon ay
iindayog...

magpapatianod sa kaway
ng walang hanggang pagmamahal,

sa iyo, at
sa Bayan.

Katha at Hambag ni: Karen Joy

Sa Aking Pag-iisa

Sa aking pag-iisa dito sa kabina
Oras at panahon di ko alintana
Nag-iisip, nagninilay, damdami’y umaapaw
Gumagawa ng salaysay base sa aking buhay

Bakit ko sasayangin oras na binigay sa akin
Talento’y gagamitin tula ko’y pagyayamanin
Sa loob at labas ng barkong naglalayag
Mga bagay na kapansin-pansin aking tutulain

Oo nga’t mahirap t’yaga lang ang katapat
Di mo mapapansin matatapos mo na rin
Mag-iisip ng mga salitang, magtutugma’t mag ra-rhyme
Magandang pakinggan, baybayin mo’t kay inam

Ng aking sinimulan sa Qatar na aking pinanggalingan
Natuto sa grupong mahal kong Buhay Qatar
Si Kiko’ng aking kaibigan na taga Bulacan
Nahamong makipagtalastasan sa kanyang balagtasan

Muli kong naalala mga tropang nakasama
Naging kapaki-pakinabang ang masayang samahan
Si Pinoy na nanguna pinagtagpo’t pinagsama
Kaya’t di mo kalilimutan kahit ikaw ay lumisan

Mga ala-alang nagdaan, bakit di ko makalimutan
Maiiyak lamang, pati damdamin ko’y masasaktan
Ito nga ba talaga ang bunga ng pag-iisa
Sa malayong luga…