Posts

Showing posts from April, 2011

Para sa aking Mahal na Magulang

Image
By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

OFW lang Po, Hindi kami Bangko

Mala-sutlang kutis, sapatos na makinis
damit na may bayawak, iPad ang hawak
ang sarap ng abroad, ang laki ng sahod
iyan ang nakikita, yan ang maling akala
ang di nila alam, wallet ay walang laman
sahod ay kapos, muntikan pang mamalimos

Padala sa Pinas, walang tira lahat'y waldas
kapag nahuli ng konti, ikaw pa ang mag-sosori
text si pamangkin, sarap namang ika'y kumustahin
kasunod na mensahe, pera din, dami pang pasakalye
si bunso bida sa barkada, pang-inom siya ang taya
pangmatrikula sa eskwela, bahala lagi si kuya

O si kuya pala, kakapanganak lang ng asawa
ninong ka nga di ba? ikaw ang nakatoka sa handa
si nanay ito, salamat anak,may TV akong bago
padala ka lang agad, para sa kuryente, pambayad
nadalaw tito mo, sapatos daw sana pag-uwi mo
pare mo nagpapasabi, para sa inaanak, pang-Jollibee

Kaysarap talagang magbigay, sa pamilya'y umalalay
ang hiling lang naman, pang-unawa'y nyo'y lawakan
di sa lahat ng pagkakataon, kami'y maging takbuhan
pera'y di pinupul…