Skip to main content

Posts

Showing posts from March, 2014

Tula Para Sa Iyo Tatay

Likha at Hambag ni : Eden Diao Apostol


Isang dekada na ang nakakaraan
Mula ng kami ay iyong nilisan
Sa paningin di na matanaw kailanman
Subali't sa puso nakaukit iyong pagmamahal.
Tanda ko pa buhay nating maralita
Na kung tawagin isang kahig isang tuka
Hindi naging dahilan upang sumuko ka
Bagkus ay tumatag naroon ang pag asa.

Mga unos at bagyo dumating sa ating buhay
Naroong ikaw ay susuray suray
Ngunit hindi tuluyang ikaw ay nabuway
Mga paghihirap naging hamon upang tumibay.
Munti mong pangarap para sa iyong mga supling
Ika'y nagsikap di alintana mga suliranin
Tanging nasa isip magbabago ihip ng hangin
At laging dasal hirap ay malalampasan din.
Hindi ka man perpekto bilang isang ama
Mayroon ding pagkakamali ngunit agad ay naitama
Hindi nakalimot sa Diyos na may likha
At hindi ipinagpalit mga mahal mong pamilya.

Pagmamahal mo ay di kayang suklian
Utang nming buhay hindi kayang bayaran
At iyong mga pangaral ay hindi malilimutan
Ito ay babaunin hanggang kamatayan.

Dalangin namin…