Skip to main content

Pangako ng Isang Ina (Mga Inang OFW)

Likha at Handog ni: Rey Medalla


















sa bansang sinilangan 'di matupad
pangarap kamtin dito sa mga palad
pilit man na abutin ganda ng bukas
sa puso ay mithiin na iaalay sa anak

kahit anong sikap kaniyang gawain
ang asam sa puso'y hindi kakamtin
kay ilap hawakan perang gugugulin
una sa maghapon ay itong pag-kain

paano ang edukasyon ay maibibigay
dito sa anak niya magiging sandigan
sapat na bang kumain sa araw-araw?
paanong haharap sa dagok ng buhay

kaya nag-pasya ang anak ay lisanin
tutol man ang kalooban ito ay titiisin
taghoy sa sarili na lipos ng panimdim
Diyos ko ako'y gabayan pag-palain

Ina ay lumisan bunsod ng pangarap
ialay sa supling ay mga tuwa at galak
lahat ay babathin maging anong hirap
taglay sa puso pangakong kay tatag

habang sinakyan ay tuluyang lumayo
hilam ang mga matang luha'y tumulo
nagsikip ang dibdib wari'y nagdurogo
magbabalik ako, ito ay aking pangako

bansa na tinungo ng Ina ay dumating
malupit niyang amo ng siya'y harapin
mata'y nanlilisik sa kanya nakatingin
na wari ay hayok gusto siyang kainin

siya ay nasindak, pumasok sa isipan
gutom sa laman ang among nadatnan
asawang babae matandang hukloban
kaya siya ngayon ang pagbabalingan

sa araw- gabi batid niyang nakaharap
buwitre na gutom sa kanya'y lalantak
laging nasa isip, sa dilim masasadlak
paano na kaya ang mahal niyang anak?

nangyari ang nangyari hindi nakaligtas
isang gabi noon ang Ina ay dinahas
nanlaban ang Ina sipa at mga tadyak
nagdilim ang lalake at siya'y sinaksak

habol ang hininga kaniyang naramdaman
duguang katawan ito ay nilapastangan
maawa po kayo anak ko'y naghihintay
pangako ko sa kanya siya'y babalikan

ng kanyang bitiwan ang huling hininga
anak ko ang pangako'y babalikan kita
sa ating tahana'y muling magkasama
pangako ng ina sa anak niyang sinta

ilang Ina pa kaya sawi ang kapalaran?
dahil sa anak ay napilitan na lumisan
ilang Ina pa kaya, may pangakong binitiwan?
babalik na muli wala na siyang buhay?

Comments

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

Siya na Aking Ina

Siya na nagluwal sa akin
Na umantabay sa aking kamusmusan
Siya na nagmahal sa akin
Ng wagas at walang alinlangan

Siya na nagbigay buhay sa akin
Handang ialay buo niyang sarili
Siya na palaging nakabantay sa akin
Na nagpakasakit sa aking paglaki

Siya na naghihintay sa akin
Sa gabi, sa alanganing oras na pag-uwi
Siya na nagbibigay lakas sa akin
Sa tuwing ako’y malapit ng magapi

Siya na naniniwala sa akin
Kahit ako’y tinatalikuran ng lahat
Siya ang nag-aalalay sa akin
Kapag nadadapa’t nakakalimot

Siya ang nagsilbing tala
Sa panahon na madilim
Siya ang aking mahal na ina
Na naging huwaran sa akin

Lumipad at Mangarap

Daan tungo sa tagumpay ay lubhang matarik
At marami ang sa iyo ay pilit na hahatak
Huwag mawalan ng pag-asa, huwag iiyak
Mahal mo sa buhay pataas ika'y itutulak

Linangin mo ang taglay na kakayanan
Gaya ng mamahaling bato at hiyas
Na kailangang kiskisin para kuminang
Di magtatagal at ikaw ay papaitaas

Huwag sumuko, huwag itigil ang laban
Tagumpay ay halos abot mo na
Pumailanglang, panatilihin ang Lipad

Sabi nga nila tiyaga ang kailangan
Haluhan mo ng sipag at dalangin
Mga pagdududa ay dapat lupigin
Makakamit ang magandang hangarin

May mga panahong walang kasing hirap
Pero sino ang nagsabing ang buhay ay madali?
Pintuan ay bukas, maging maagap
Dahil sa kabila nito'y kaligayahang di malilip

Huwag sumuko, huwag itigil ang laban
Tagumpay ay halos abot mo na
Pumailanglang, panatilihin ang Lipad

Kapag ang iyong mga pangarap ay napakasamay na
Huwag kailanman kalimutang lumingon
Ikaw naman ang sa iba ay luminga
Tulangan mo ang iba sa kanilang pagbangon

Ngayon na nasa rurok ka na ng ta…