Pag-ibig na Pala - Mahal ko na Siya

 

  Katha ni: RG Bonalos


Nanunuot na lamig ang nararamdaman

Sa buwan ng Nobyembre sarili tinatahan

Lungkot at hapdi sa mata masisilayan

Ng babaeng umaasa patuloy lumalaban

 

Sa araw na itinakda kanyang nakilala

Lalaking karunungan at tatag dala dala

Pighati at ligaya parehong makikita

Kaya ang babae nagsimula magduda

 

Kanyang natanaw ang suot na maskara

Ng bagong kakilala na kunwari masaya

Agad inalam ang dalang problema

Sinagot ang tanong na puno ng tiwala

 

Walang pakundangan lahat ay sinabi

Kasabay ng pagtulo ng luha sa pisngi

Mabigat na pasan pighati napawi

Pumalit matamis at tunay na ngiti

 

Araw nagdaan hindi namamalayan

Lalaking nakilala naging kaibigan

Araw at gabi puno ng kwentuhan

Tawanan kulitan walang katapusan

 

Hindi maikakaila kaibigang maituturing

Suliranin nawawala kapag magkapiling

Pagkakaibigan unti unting lumalalim

Konting pagtingin umusbong ng palihim

 

Nahulog ang loob ngunit ayaw paniwalaan

Inakalang kaibigan lamang kanyang naibigan

Pagkakataon ibinigay upang mapatunayan

Pag-ibig na alay ay pawang katotohanan

 

Lumipas ang araw kanyang napagtanto

Pagsasama ng tapat hindi dapat mahinto

Pagmamahal tiwala at pagiging kuntento

Tinanggap ang pagsinta kasabay ng pangako

 

Paggiliw na tunay tapat walang kapantay

Lahat ibibgay ng walang kapalit na hinihintay

Paghihirap sakit at saya haharaping sabay

Hawak-kamay mananatili sayo habambuhay


Mga Komento