Di Man Maging Ganap

Ako ay tuliro
Di maintindihan yaring puso
Bakit ako nalilito
Kapag ika'y kausap ko

Hindi ka man abot
Dahil ika'y nasa laot
Ano man ang suot
Pag-ibig ko ika'y ibabalot

Hindi ko hinahanap
kahit ano mang pagtanggap
Tabing man ay alapaap
Maalala ka lang, saya ay ganap

Iyo sanang ipagpatawad
Kung ikaw ay aking nakaladkad
Pero ako sa iyo'y di huwad
Masamang nasa, ako'y walang hangad

Tunay kitang mahal
Kaya ika'y ilalagay sa pedestal
Huwag ka lang hahatol
Na ako sa iyo ay masahol

Alay ko ay pag-big
Di kailangan ng iyong dilig
Dahil ako mismong kakabig
Kung ito ay di mo ibig

Mga Komento

  1. Isang napakagandang likha
    Dahil sa husay ng may akda
    Walang kupas ang paggawa
    Sa kanya ako ay humahanga...

    babyluv

    TumugonI-delete
  2. babyluv

    iniwan mong talata
    sakin ay nagpasaya
    pasasalamat aking abot
    pagdalaw muli sana'y di malimot

    TumugonI-delete
  3. sa mga alapaap
    ika'y hanap

    TumugonI-delete

Mag-post ng Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Para sa aking Mahal na Magulang

Sa Muling Pagbangon

Ina....Sa Likod Ng Bawat Pangarap-Para Sa Mga Inang OFW