Para sa aking Mahal na Magulang

Image
By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

Sa facebook Idadaan Aking Sinta

Sana iyong mapansin aking sinta
"Status message" ko sa facebook
Sayo pinipilit kong maging makata
Sa bahay nagbabasa ng pocketbook

Sa iyong comment ako ay naka-abang
Pero ni “Like” hindi mo pa mapindot
Hay! Buhay para na akong mabubuwang
Aking mundo sa iyo na lang umiikot

Hintayin mo lang aking diwata
“Note” naman ang sunod kong susubukan
Baka kasi "status" ko di mo lang makita
Dahil sa dami ng iyong mga kaibigan

At kapag hindi pa rin nagbunga
“Send Message” na ang aking gagamitin
Siguro naman iyo ng mababasa
Kung sakali man, bahala na si Batman.

Comments

  1. salamat anak sayong muling pagdalaw.
    malayo na nga iyong narating sa pagsulat
    sana sa di malayong hinaharap
    sarili mong tala-sulatan aking maapuhap

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

Siya na Aking Ina

Lumipad at Mangarap