Para sa aking Mahal na Magulang

Image
By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

Tawag ng Laman

Si Estong balikbayan
galing ng bansang Oman
kilalang isang mayaman
laging bida sa umpukan

Pumunta sa bayan minsan
si estong na aking kaibigan
at kanyang nasumpungan
sabungerong si Esteban

Isang mahabang kumustuhan
pero isa rin ang hantungan
sa malapit na sabungan
silang dalawa'y nagkayayaan

Doon, Estong ay may nasilayan
si Nicole, di tunay na pangalan
kagyat niyang kinindatan
babaeng pinagpala sa kagandahan

Estong kay esteban nagpaalam
meron yatang gustong ilaban
at sa paglabas ng sabungan
Nicole kanya na niyang tangan

Pagkatapos ng kainitan
at matinding bakbakan
Estong nakatulog ng tuluyan
maraming oras ang nagdaan

At sa kanyang pagmulat
siya ay nabigla't nagulat
Nicole at kanyang wallet
Di na niya mahagilap

Biglang tayo sa higaan
asawa niya dapat nyang tawagan
pero BlueBerry nya di matagpuan
Nadale siya ng reyna ng Ativan

Pano na Estong mayaman?
kwarto ay di mabayaran
Naisahan ng magandang kawatan
lugmok ka ngayon sa kahihiyan

Isang buwan ang nagdaan
si Estong balikbayan
umiiyak sa umpukan
asawa niya ay lumisan

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

Siya na Aking Ina

Lumipad at Mangarap