Para sa aking Mahal na Magulang

Image
By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

Payo Lang Naman

Reklamo ka ng reklamo, daig mo pa si Archie Alemania ang kilalang reklamador... "Kung di ka na masaya sa buhay mo dito, Subukan mo kaya sa kabilang buhay?"

Comments

  1. hi! tnx for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur favorite blogs! d top 5 highest rated will be highlighted n d Hall of Fame ;)

    you can also follow BNP's tweets at http://twitter.com/blogsngpinoy

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

Siya na Aking Ina

Lumipad at Mangarap