Para sa aking Mahal na Magulang

Image
By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

Babae sa Tabing-Dagat


Kahapon lang kay saya mong pagmasdan
Sa akin pa ay bumati at ikaw ay kumaway
Kay ganda ng iyong ngiti ng aking masilayan
Ngiti na mananatili sa gunita ko nakatunghay

Nitong umaga, binati kita't ako ay kumaway
Humarap ka sa akin, mga mata mo ay luhaan
May hawak kang liham na basa sa luha sa kamay
Ginusto kong lapitan ka at ng aking madamayan

Kinagabihan ikaw ay nasa inyong beranda
Mag-isang nakaupo, sa malayo nakatingin
Siguro'y naghihintay sa pagdating ng iyong sinta
Pero walang dumating hanggang sa ikaw ay antukin

Sumunod na umaga, di na kita matagpuan
Hinagilap kita, naghanap kung saan saan
Sa tabing-dagat ikaw ay aking nasumpungan
Ang kabilang ibayo nais mong mapuntahan

Sapat na ang aking nasaksihan, di na kayang tikisin
Wala na akong alintana, sasabog na aking dibdib
Tumakbo ako ng mabilis, mula sa likuran ika'y kinabig
At kapwa lumuluhang lumuhod sa mainit na buhangin.

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

Siya na Aking Ina

Lumipad at Mangarap