Para sa aking Mahal na Magulang

Image
By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

Palaisipan

isang sikat na libangan
dito sa ating tambayan
tara nang sagutan
ang palaisipan

mga simpleng salita
na humahasa sa memorya
mula sa panitikan
hanggang sa pelikula

anim na letra pahalang
sigarilyo ng tikbalang
baka hindi mo pa alam
kung ano ang kabisera ng Guam

kailangang magkatugma
ang isasagot mo pababa
dahil kung hindi tama
malamang ika'y magbura

huwag kang mandaraya
na abangan bukas ang resulta
o kaya naman ay manghula
dahil sagot mo'y mali mali na

itong tula ay alay ko sa mahal kong ina
na palaisipan fanatic mula pagkabata
huwag mo lamang iistorbohin
at baka ika'y sa dyaryo'y hampasin

Katha Ni: Makatang Kiko

Comments

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

Siya na Aking Ina

Lumipad at Mangarap