Para sa aking Mahal na Magulang

Image
By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

PANAGINIP (By: Liberty Hipolito)


Sa pagpikit ng aking mga mata
Larawan mo ang laging nakikita
Mukha mong tila nagpapaalala
Sa panahong ating pinagsama.

Gabi gabi tila ikaw ay kapiling
Halos wala na akong mahiling
Regalo mo sa aking singsing
Laging mata duo’y nakatingin.

Matamis mong pagsinta
Ang sa akin ay nagpapasaya
Mga pangakong kayganda
Tila hindi na matatapos pa.

Ngunit dumating ang panahon
Parang isda na sa tubig ay umahon
Tulad ng pakong naalis sa pagkakabaon
Saan kaya tayo dadalin ng pagkakataon?

Kayhirap ng ganitong malayo ka na
Hindi na kailanman makakasama pa
Alaala na lang sa tuwina
Sa panaginip na lang hihintayin ka…

Comments

  1. Tama ka sa iyong tinuran kaibigan
    laging nakakapaghintay wagas na pag-iibigan
    gano man katagal panohon na magdaraan
    basta manatiling tapat sa mga sinumpahan

    ReplyDelete
    Replies
    1. GANDA NMAN PO NG TULA NIYO...........

      Delete
  2. ...sa pag-alab ng pangungulila
    dadaloy mula sa puso patungo sa diwa.
    ...sisiklab ang damdamin
    at tiyak sya'y makakapiling sa pagsapit ng dilim

    di mo man naisin
    at minsa'y di mo napapansin
    pangarap na nais syang makamit
    sa panaginip duo'y guguhit

    wyngard alvarez

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

Siya na Aking Ina

Lumipad at Mangarap