Tamis ng Unang Pag-ibig

“Anghel sa lupa”, ang aking nasambit
Nang masilayan ko tamis ng iyong ngiti
Kahit na sandali parang nasilip ko ang langit
Nalimutan ko hinanakit at pagdadalamhati

Panandalian akong napako sa kintatayuan
Pinilit kong ibuka aking mga putlang labi
Para masagot binitawan mong katanungan
Masaklap ako’y natisod at napangiwi

Sa aking pagkapahiya, pinilit kong ngumiti
Pagtingin ko sayo, hagalpak ka sa kakatawa
Naglapat ang ating mga mata sabay bawi
Mayroong parang kung anong kurot na nadama

Iyon na pala ang simula ng mahabang gabi
Dahil sa tuwina ikaw ang pinapapangarap ko
Di ko malimutan hugis puso mong mga labi
Heto na, nangyari na, tuliro yaring puso

Sumunod na mga araw, sa aking pagtatanong
Aking nalaman, dayo ka pala sa aming bayan
Isa o dalawang buwan ika'y magbabakasyon
Nagkataon, kaibigan mo pala aking pinsan

Ikalawang Yugto

Comments

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

Siya na Aking Ina

Lumipad at Mangarap