Skip to main content

Posts

Showing posts from September, 2013

Tamis ng Unang Pag-ibig (Ika-3 Yugto, Ang Pagtatapos)

Pagtapat ng sasakyan sa bahay ng aking pinsan
Margarita na aking sinta ay aking nasilayan
Di ko mawari kung ano ang aking gagawin
Taglay niyang kariktan, nawawala ang aking katinuan

Inipon ko ang aking lakas at pinilit ngumiti
Munti niyang sulyap muntikan na akong mapipi
Pausal kong nasambit, kay ganda mo binibini
Pinilit kong maging ayos para di mapahiya ang sarili

Sa simbahan, margarita kong irog ay aking katabi
Kung narinig lang sana niya mga usal kong dasal
Siya at siya lamang ang laman ng aking mga hiling
Pagkatapos ng misa ako’y nag-ayang mamasyal

Sa tabing dagat kwentuhan namin  ay kaysarap
Pinsan ko siguro’y nakaramdam at kusang nagpaalam
Palihim at mahina kong nasambit sa kanya, salamat
Sa aming paglakad at kwentuhan marami akong nalaman

Di lang pala maganda si Margaret na aking sinta
Isa pala siyang mabait na anak at sadyang huwaran
Sa mahigit  isang oras na siya ay aking nakasama
Parang taon ko na siyang kakilala, lalo kong hinangahan

Nang akin na siyang inihatid sa may pintuhan 
Huni ng marami…