Pagtapat ng sasakyan sa bahay ng aking pinsan
Margarita na aking sinta ay aking nasilayan
Di ko mawari kung ano ang aking gagawin
Taglay niyang kariktan, nawawala ang aking katinuan
Inipon ko ang aking lakas at pinilit ngumiti
Munti niyang sulyap muntikan na akong mapipi
Pausal kong nasambit, kay ganda mo binibini
Pinilit kong maging ayos para di mapahiya ang sarili
Sa simbahan, margarita kong irog ay aking katabi
Kung narinig lang sana niya mga usal kong dasal
Siya at siya lamang ang laman ng aking mga hiling
Pagkatapos ng misa ako’y nag-ayang mamasyal
Sa tabing dagat kwentuhan namin ay kaysarap
Pinsan ko siguro’y nakaramdam at kusang nagpaalam
Palihim at mahina kong nasambit sa kanya, salamat
Sa aming paglakad at kwentuhan marami akong nalaman
Di lang pala maganda si Margaret na aking sinta
Isa pala siyang mabait na anak at sadyang huwaran
Sa mahigit isang oras na siya ay aking nakasama
Parang taon ko na siyang kakilala, lalo kong hinangahan
Nang akin na siyang inihatid sa may pintuhan
Huni ng maraming ibon aking nahulinigan
Marahil ay akin lamang masayang imahinasyon
So sobrang saya na aking kaslukuyang nararamdaman
Makalipas ang ilang buwan na kami ay laging magkatipan
Margaret na aking sinta, sinagot na rin ang aking pag-ibig
Sa labi niyang mapupula namutawi ako ay kanya ring sinisinta
Sa sobrang ligaya di ko napigilan siya'y aking kinabig at hinalikan
Sa gabing yaon na siya ay aking muling inihatid sa pintuhan
Bago ako makatalikod, kamay ko ay kanyang hinawakan
Sabay pikit at akmang ako'y kanyang muling hahagkan
Sinalubong ko ang kanyang mga labi, pikit matang kami ay naghalikan.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento