Skip to main content

KAHAPON...PAALAM! (Bakit Di Makalimot ang Puso)

Likha at Handog Ni: Eden Diao Apostol

Bakas ng kahapon minsan ay naa-alala
Sumagi sa isip kadalasa'y natatawa
Minsan nama'y ramdam ang kirot na likha
Ng sumpang di magbabago pag ibig sa isa't isa.

Sa haba ng panahong pagsasamang wagas
Buong akala ko pag ibig ay di kukupas
Malao't madali naghiwalay din ng landas
Anong lupit nman kapalarang dinanas.

Nang araw na yaon ika'y nagpaalam
Nangibang bansa at nangakong baballikan
Nang ikaw ay ihatid doon sa paliparan
Ramdam ng puso para bang araw ng kamatayan.

Lumipas ang mga araw hilam na yaring mata
Panaghoy na iyak walang tigil na pagluha
Napagod ang puso maging ang kaluluwa
Sa paghihintay sa 'yo tila wala ng pag;asa.

Taon ang nagdaan sugat ay naghilom
Aba kong puso nais ng umahon
Dasal sa langit bigyan ng pagkakataon
Buksan ang puso at limutin na ang kahapon.

Muling nagmahal at umibig sa iba
Ngunit bawat sulyap imahe mo ang nakikita
Patawad ang hiling sa bagong sinisinta
Tulungang lumimot hiling ay pang unawa.

Paalam kahapon, paalam....paalam
Aking dasal kapayapaan ay makamtan
Mga alala tanging sa panaginip na lamang
kahit isang saglit, sa panaginip...muli kang mahagkan.

Comments

Popular posts from this blog

Para sa aking Mahal na Magulang

By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.

Siya na Aking Ina

Siya na nagluwal sa akin
Na umantabay sa aking kamusmusan
Siya na nagmahal sa akin
Ng wagas at walang alinlangan

Siya na nagbigay buhay sa akin
Handang ialay buo niyang sarili
Siya na palaging nakabantay sa akin
Na nagpakasakit sa aking paglaki

Siya na naghihintay sa akin
Sa gabi, sa alanganing oras na pag-uwi
Siya na nagbibigay lakas sa akin
Sa tuwing ako’y malapit ng magapi

Siya na naniniwala sa akin
Kahit ako’y tinatalikuran ng lahat
Siya ang nag-aalalay sa akin
Kapag nadadapa’t nakakalimot

Siya ang nagsilbing tala
Sa panahon na madilim
Siya ang aking mahal na ina
Na naging huwaran sa akin

Lumipad at Mangarap

Daan tungo sa tagumpay ay lubhang matarik
At marami ang sa iyo ay pilit na hahatak
Huwag mawalan ng pag-asa, huwag iiyak
Mahal mo sa buhay pataas ika'y itutulak

Linangin mo ang taglay na kakayanan
Gaya ng mamahaling bato at hiyas
Na kailangang kiskisin para kuminang
Di magtatagal at ikaw ay papaitaas

Huwag sumuko, huwag itigil ang laban
Tagumpay ay halos abot mo na
Pumailanglang, panatilihin ang Lipad

Sabi nga nila tiyaga ang kailangan
Haluhan mo ng sipag at dalangin
Mga pagdududa ay dapat lupigin
Makakamit ang magandang hangarin

May mga panahong walang kasing hirap
Pero sino ang nagsabing ang buhay ay madali?
Pintuan ay bukas, maging maagap
Dahil sa kabila nito'y kaligayahang di malilip

Huwag sumuko, huwag itigil ang laban
Tagumpay ay halos abot mo na
Pumailanglang, panatilihin ang Lipad

Kapag ang iyong mga pangarap ay napakasamay na
Huwag kailanman kalimutang lumingon
Ikaw naman ang sa iba ay luminga
Tulangan mo ang iba sa kanilang pagbangon

Ngayon na nasa rurok ka na ng ta…