PAG-IBIG AT PAKIKIBAKA ‘kay KASAMA

may mga pandamang
pilit sa sarili'y kumakalas,
dahil, marahil and damdami'y
may sariling dunong at kusa
sinusuong, katunggali man niya'y
panahon.

panahon, na sa sarili ma'y kumakalas din,
naglalakbay ng kusa,
dahil walang nilalang ang
sa kanya'y magdidikta,
kahit pa ang gahiganteng kamay na bakal.

At kagaya ng pandama
na inialay ko sa'yo,
pilit ko mang ikahon ay
kusang kumakalas,
sumasabay sa bawat paghakbang
ng mga adhikaing lumaya...

bagama't,
hatid nito sa aki'y
panibagong kaisipan.
Hindi nang aking sarili,
kundi'y higit pa sa layuning
siya ay paglingkuran.

ito na marahil ang pandamang
pilit kong hahawakan,
dugo man sa alon ay
iindayog...

magpapatianod sa kaway
ng walang hanggang pagmamahal,

sa iyo, at
sa Bayan.

Katha at Hambag ni: Karen Joy

Mga Komento