Sa Aking Pag-iisa

Sa aking pag-iisa dito sa kabina
Oras at panahon di ko alintana
Nag-iisip, nagninilay, damdami’y umaapaw
Gumagawa ng salaysay base sa aking buhay

Bakit ko sasayangin oras na binigay sa akin
Talento’y gagamitin tula ko’y pagyayamanin
Sa loob at labas ng barkong naglalayag
Mga bagay na kapansin-pansin aking tutulain

Oo nga’t mahirap t’yaga lang ang katapat
Di mo mapapansin matatapos mo na rin
Mag-iisip ng mga salitang, magtutugma’t mag ra-rhyme
Magandang pakinggan, baybayin mo’t kay inam

Ng aking sinimulan sa Qatar na aking pinanggalingan
Natuto sa grupong mahal kong Buhay Qatar
Si Kiko’ng aking kaibigan na taga Bulacan
Nahamong makipagtalastasan sa kanyang balagtasan

Muli kong naalala mga tropang nakasama
Naging kapaki-pakinabang ang masayang samahan
Si Pinoy na nanguna pinagtagpo’t pinagsama
Kaya’t di mo kalilimutan kahit ikaw ay lumisan

Mga ala-alang nagdaan, bakit di ko makalimutan
Maiiyak lamang, pati damdamin ko’y masasaktan
Ito nga ba talaga ang bunga ng pag-iisa
Sa malayong lugar, malayo sa pamilya

Mahaba-haba na at ayoko ng dugtungan pa
Itong tulang ngayon ko lang naipapadama
Marami pang naghihintay sa mga mambabasa
Kabanata ng aking buhay sundan nyo na lang sa twina



Written on Nov.5, 2010 at the Security Office while on duty. Encouraged myself to write a poem dedicated to my friends in Qatar especially the Buhay Qatar group organized by Pinoy (Omar dela Cruz). It was Francisco Morilao (Kiko) who started his poem in the BQ site and I found out that I am busy in making a poem as challenged to what Kiko is doing. From then on the group started to form a group of writers together including the courageous Spike.

Isinulat at hambag ni: Nepthali Paraiso

Mga Komento