Kung ako si charice heto ang aking mga tanong
Nasaan kayo ng panahong akoy’ isang hamak pa lang?
Bakit ngayon pansinin ko kayo, akin pang obligasyon?
Akin lang namang hiling pang-unawa ninyo’y lawakan
Kung ako si Charice di ko kailangang magpaliwanag
Sabihan man nila na ako ay nakalimot na
Dahil wala akong maisip na ginawa nila para ko tandaan
Magmalaki, nasa akin ang lahat ng karapatan
Kung ako si Charice ako ang manunumbat
Ano na kayang karangalan sa bansa inyong naibigay?
Dapat bang ang sambayanan sa inyo’y magpasalamat
Di kaya mas magandang tulungan nyo pa akong umangat
Kung ako si Charice sobra akong magdaramdam
Dahil kahit saan “Pilipino ako” aking pinangangalandakan
At heto pa ang aking matatanggap na kabayaran
Pilipino tayo, isang bansa, dapat magdamayan
Kung ako si Charice sa Japan na ako maninirahan
Mahal at nirerespeto ako, di man nila ako kababayan
Sa kanila tunay na pagpapahalaga aking nasumpungan
Ang sakit sa loob na ika’y saktan sa sariling bakuran
Iyan ay kung ako si Charice pero kaka-iba siya
Kababaan ng loob niyang taglay ay kahanga-hanga
Di siya mapagtanim ng galit kaya siya pinagpapala
Kaya sana imbes na siraan, ipagmalaki siya ng buong bansa
Lalo na ng mga sinasabing mamamahayag ng katotohanan

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento