Likha at Handog Ni: Eden Diao Apostol
Bakas ng kahapon minsan ay naa-alala
Sumagi sa isip kadalasa'y natatawa
Minsan nama'y ramdam ang kirot na likha
Ng sumpang di magbabago pag ibig sa isa't isa.
Sa haba ng panahong pagsasamang wagas
Buong akala ko pag ibig ay di kukupas
Malao't madali naghiwalay din ng landas
Anong lupit nman kapalarang dinanas.
Nang araw na yaon ika'y nagpaalam
Nangibang bansa at nangakong baballikan
Nang ikaw ay ihatid doon sa paliparan
Ramdam ng puso para bang araw ng kamatayan.
Lumipas ang mga araw hilam na yaring mata
Panaghoy na iyak walang tigil na pagluha
Napagod ang puso maging ang kaluluwa
Sa paghihintay sa 'yo tila wala ng pag;asa.
Taon ang nagdaan sugat ay naghilom
Aba kong puso nais ng umahon
Dasal sa langit bigyan ng pagkakataon
Buksan ang puso at limutin na ang kahapon.
Muling nagmahal at umibig sa iba
Ngunit bawat sulyap imahe mo ang nakikita
Patawad ang hiling sa bagong sinisinta
Tulungang lumimot hiling ay pang unawa.
Paalam kahapon, paalam....paalam
Aking dasal kapayapaan ay makamtan
Mga alala tanging sa panaginip na lamang
kahit isang saglit, sa panaginip...muli kang mahagkan.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento