mula sa simpleng buhay biglang yaman si Tita
sabi noong una meron daw yaman sa uling
pero kahit gaano kapa kagaling magsinungaling
ang katotohanan, isa ka palang mandarambong
kahit noon pa, kay tatang hindi ako bilib
kasi ba naman kinagat ang amo ng magipit
sa galing sa diskarte sa kanya bayani pa ang
turing
sana nalaglag ka na lang ng ika'y tumalon
ikaw pala ay isang dakilang mandarambong
heto namang isa pandak man, kay yaman pala
dati naman siyang may pilikula, ewan ko lang kung
kumita
gaya ng ama, maninilbihan daw, linangoy ang
pulitika
tama nga si lola, kung ano ang puno ay siyang
bunga
isa ka rin pa lang dambuhalang mandarambong
ngiti lang kuha ka na, tingin pa lang ay nanghahalina
astig din siya lalo na kung siya ang makisig na
bida
nang maisakdal, sa podium namamalimos ng awa
o siya gandahan ang script, padasal at parada
akala ko isa kang tagapagtanggol, ikaw pala'y
mandarambong
ang kwento ay kathang-isip lamang pero malapit
sa katotohanan
di sinasadya ng may-akda kung meron mang nasapol
at tinamaan
tabi-tabi po, bato bato sa langit sana sa
kulungan ang bagsak
isang inaheng baboy sana ay maparusahan sa
sobrang pagiging gahaman
ang tatlong unggoy sana ay mabulok sa kulungan ng
di na pamarisan
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento