Likha at Handog ni: Rey Medalla
kung may tuwang lungati sa puso
ina sa anak may gintong pangako
abang kalagayan dito mahahango
lukubin man ng hirap hindi susuko
luha't pag-titiis kay sakit sa dibdib
lumayo sa anak puso'y tumatangis
hirap ng damdamin di mawaglit
'di maipadama halik na kay tamis
subalit ang lahat,lahat kakayanin
ang lumayo sa anak ito ay titiisin
pagod na katawan hindi iindahin
pangako sa anak ito ay tutuparin
ito ang ina sa kaniyang mga hirap
piliting ang bukas hatid ay liwanag
tatag ng loob sa Diyos tumawag
sa laot ng dilim dito ay makaalpas
subalit ang hadlang laging kaakibat
katawang lupa tuluyang bumagsak
usal sa sarili na sa Diyos tumawag
pano na kaya ang mahal kong anak?
ganoong kalagayan siya'y nag-iisa
mayroong karamdaman na nadarama
kapakanan ng anak kaniyang inuuna
kapansanan sa sarili'y hindi alintana
hindi alintana katawan ay bumigay
umiiyak siya, anak ang nasa isipan
Panginoon nawa'y iyong pakinggan
dilim ng buhay kong ito'y malampasan
kalagayang ito natutong mag-higpit
sinturon sa sikmura'y kanyang tiniis
kumain ng masarap siya'y nagtipid
inilaan sa anak labis niyang iniibig
kalagayan sa anak kanyang ikinaila
tuloy itong saya labis na pinagpala
inang nagmamahal tanging adhika
ibibigay sa anak ang lahat ng tuwa
bahala na ang bukas ito'y dumating
sa sarili ngayon ay kanyang uunahin
bago magtiklop dalawang paningin
tuwa ang sa puso sa libing dadalhin
bago tuloyan sa hantungan lumagak
pipilitin na abutin asam na pangarap
mahalagang gawin siya'y magsisikap
lingap ng isang "Ina sa giliw na Anak"....
kung may tuwang lungati sa puso
ina sa anak may gintong pangako
abang kalagayan dito mahahango
lukubin man ng hirap hindi susuko
luha't pag-titiis kay sakit sa dibdib
lumayo sa anak puso'y tumatangis
hirap ng damdamin di mawaglit
'di maipadama halik na kay tamis
subalit ang lahat,lahat kakayanin
ang lumayo sa anak ito ay titiisin
pagod na katawan hindi iindahin
pangako sa anak ito ay tutuparin
ito ang ina sa kaniyang mga hirap
piliting ang bukas hatid ay liwanag
tatag ng loob sa Diyos tumawag
sa laot ng dilim dito ay makaalpas
subalit ang hadlang laging kaakibat
katawang lupa tuluyang bumagsak
usal sa sarili na sa Diyos tumawag
pano na kaya ang mahal kong anak?
ganoong kalagayan siya'y nag-iisa
mayroong karamdaman na nadarama
kapakanan ng anak kaniyang inuuna
kapansanan sa sarili'y hindi alintana
hindi alintana katawan ay bumigay
umiiyak siya, anak ang nasa isipan
Panginoon nawa'y iyong pakinggan
dilim ng buhay kong ito'y malampasan
kalagayang ito natutong mag-higpit
sinturon sa sikmura'y kanyang tiniis
kumain ng masarap siya'y nagtipid
inilaan sa anak labis niyang iniibig
kalagayan sa anak kanyang ikinaila
tuloy itong saya labis na pinagpala
inang nagmamahal tanging adhika
ibibigay sa anak ang lahat ng tuwa
bahala na ang bukas ito'y dumating
sa sarili ngayon ay kanyang uunahin
bago magtiklop dalawang paningin
tuwa ang sa puso sa libing dadalhin
bago tuloyan sa hantungan lumagak
pipilitin na abutin asam na pangarap
mahalagang gawin siya'y magsisikap
lingap ng isang "Ina sa giliw na Anak"....
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento