Aking mundo na kay pait at kay lumbay
Sa isang iglap napuno ng buhay
Ang paligid ko ay nagkaroon ng kulay
Sa saya naitaas dalawa kong kamay
Kinapa ko aking telepono sa bulsa
Aking tinawagan mahal kong pinsan
Inayang sa linggo kami’y magsimsimba
Kasama ang maganda niyang kaibigan
Umaga ng linggo, sa banyo’y umaawit
Nakalutang dahil sa inaasahang pagkikita
Margarita na aking irog at nilalangit
Akin ng inaasam aming unang pagsasama
Damit ay pinasadaan, pati buhok plantsado
Sapatos na naka-kahon pa, akin ng isinuot
Puso ay parang kumakawala sa dibdib ko
Iniisip pa lang, labis nang ligaya ang dulot
Paglabas ng bahay, noon ko lang napagtanto
Wala nga pala akong gagamiting sasakyan
Hiya’y kinalimutan, takbo ako kay pareng Ambo
Aking pasasalamat at siya’y aking naabutan

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento