Skip to main content

Posts

Para sa aking Mahal na Magulang

By: Eden Diao Apostol

Ang buhay kong ito'y sa inyo nagmula Pangalawa sa Diyos na s'yang lumikha Utang ko sa inyo ang aking hininga Minahal, hinubog ng inyong kalinga. Mga sakripisyo'y sadyang hindi biro Mula ng ako'y iniluwal sa mundo Pag-ibig na iniukol sa 'ki'y totoo Pagmamahal ninyo'y nagsilbing lakas ko. Ako'y tinuruan ng magandang asal Sa gitna ng hirap ako'y pinag-aral Upang 'di mapariwara ang aking buhay Diplomang natanggap sa inyo ini-alay. Ngayon ang buhay ko ay sadyang kay-palad Pangarap ko'y unti-unting natutupad Ito'y bunga ng 'nyong dakilang paglingap Sa 'king puso'y walang hanggang pasalamat.
Recent posts

Pangako ng Isang Ina (Mga Inang OFW)

Likha at Handog ni: Rey Medalla


















sa bansang sinilangan 'di matupad
pangarap kamtin dito sa mga palad
pilit man na abutin ganda ng bukas
sa puso ay mithiin na iaalay sa anak

kahit anong sikap kaniyang gawain
ang asam sa puso'y hindi kakamtin
kay ilap hawakan perang gugugulin
una sa maghapon ay itong pag-kain

paano ang edukasyon ay maibibigay
dito sa anak niya magiging sandigan
sapat na bang kumain sa araw-araw?
paanong haharap sa dagok ng buhay

kaya nag-pasya ang anak ay lisanin
tutol man ang kalooban ito ay titiisin
taghoy sa sarili na lipos ng panimdim
Diyos ko ako'y gabayan pag-palain

Ina ay lumisan bunsod ng pangarap
ialay sa supling ay mga tuwa at galak
lahat ay babathin maging anong hirap
taglay sa puso pangakong kay tatag

habang sinakyan ay tuluyang lumayo
hilam ang mga matang luha'y tumulo
nagsikip ang dibdib wari'y nagdurogo
magbabalik ako, ito ay aking pangako

bansa na tinungo ng Ina ay dumating
malupit niyang amo ng siya'y harapin
mata'y nanlilisik…

Ang Inahing Baboy at Tatlong Unggoy (Pork Barrel Scam)

sarap ng buhay, di lang isang kotse, napakarami mula sa simpleng buhay biglang yaman si Tita sabi noong una meron daw yaman sa uling pero kahit gaano kapa kagaling magsinungaling ang katotohanan, isa ka palang mandarambong
kahit noon pa, kay tatang hindi ako bilib kasi ba naman kinagat ang amo ng magipit sa galing sa diskarte sa kanya bayani pa ang turing sana nalaglag ka na lang ng ika'y tumalon ikaw pala ay isang dakilang mandarambong
heto namang isa pandak man, kay yaman pala dati naman siyang may pilikula, ewan ko lang kung kumita gaya ng ama, maninilbihan daw, linangoy ang pulitika tama nga si lola, kung ano ang puno ay siyang bunga isa ka rin pa lang dambuhalang mandarambong
ngiti lang kuha ka na, tingin pa lang ay nanghahalina astig din siya lalo na kung siya ang makisig na bida nang maisakdal, sa podium namamalimos ng awa o siya gandahan ang script, padasal at parada akala ko isa kang tagapagtanggol, ikaw pala'y mandarambong
ang kwento ay kathang-isip lamang pero malapit sa katotohanan di…

Ina sa giliw na Anak (Ang Walang Katumbas na Pagmamahal)

Likha at Handog ni:Rey Medalla

kung may tuwang lungati sa puso
ina sa anak may gintong pangako
abang kalagayan dito mahahango
lukubin man ng hirap hindi susuko

luha't pag-titiis kay sakit sa dibdib
lumayo sa anak puso'y tumatangis
hirap ng damdamin di mawaglit
'di maipadama halik na kay tamis

subalit ang lahat,lahat kakayanin
ang lumayo sa anak ito ay titiisin
pagod na katawan hindi iindahin
pangako sa anak ito ay tutuparin

ito ang ina sa kaniyang mga hirap
piliting ang bukas hatid ay liwanag
tatag ng loob sa Diyos tumawag
sa laot ng dilim dito ay makaalpas

subalit ang hadlang laging kaakibat
katawang lupa tuluyang bumagsak
usal sa sarili na sa Diyos tumawag
pano na kaya ang mahal kong anak?

ganoong kalagayan siya'y nag-iisa
mayroong karamdaman na nadarama
kapakanan ng anak kaniyang inuuna
kapansanan sa sarili'y hindi alintana

hindi alintana katawan ay bumigay
umiiyak siya, anak ang nasa isipan
Panginoon nawa'y iyong pakinggan
dilim ng buhay kong ito'y mala…

Buhay OFW (Homesick, Ang Hirap na Dulot ng Pangungulila)

Madalas sa malayo nakatingin
Nagtatanong kung ano ang mithiin
Kalaguyo at kapiling ay dilim
Taghoy ng ulilang damdamin
Idinadaan sa buntung-hiningang malalim

Sa bawat pagpikit ng mga mata
Ala-ala ng mga iniwanang sinta
Na nakatunghay sa iyong gunita
Ang masidhing pangungulila
Kayakap mo hanggang umaga

Sa muling pagbangon, bakas ng luha
Na sa magdamag ay dumaloy sa mga mata
Pilit mong itatago para di makita
Dahil ika'y malakas sa tingin ng iba
Baon mo ay huwad na ngiti at tuwa

Sa agos ng buhay sa ibang bayan
Wala kang ibang pagpipilian
Mahirap man kailangan mong sabayan
Dahil sa balikat mo iyong pasan
Pangarap sa mga anak sa kinabukasan

Ikaw, ako, sila, tayo na nangangarap
Na sa ibayong dagat ay naghahanap
Asenso na sa sariling bayan ay mailap
Sa likod ng makapal na ulap
Tanging tanglaw ating maaapuhap.

KAHAPON...PAALAM! (Bakit Di Makalimot ang Puso)

Likha at Handog Ni: Eden Diao Apostol

Bakas ng kahapon minsan ay naa-alala
Sumagi sa isip kadalasa'y natatawa
Minsan nama'y ramdam ang kirot na likha
Ng sumpang di magbabago pag ibig sa isa't isa.

Sa haba ng panahong pagsasamang wagas
Buong akala ko pag ibig ay di kukupas
Malao't madali naghiwalay din ng landas
Anong lupit nman kapalarang dinanas.

Nang araw na yaon ika'y nagpaalam
Nangibang bansa at nangakong baballikan
Nang ikaw ay ihatid doon sa paliparan
Ramdam ng puso para bang araw ng kamatayan.

Lumipas ang mga araw hilam na yaring mata
Panaghoy na iyak walang tigil na pagluha
Napagod ang puso maging ang kaluluwa
Sa paghihintay sa 'yo tila wala ng pag;asa.

Taon ang nagdaan sugat ay naghilom
Aba kong puso nais ng umahon
Dasal sa langit bigyan ng pagkakataon
Buksan ang puso at limutin na ang kahapon.

Muling nagmahal at umibig sa iba
Ngunit bawat sulyap imahe mo ang nakikita
Patawad ang hiling sa bagong sinisinta
Tulungang lumimot hiling ay pang unawa.

Paalam…

Tula Para Sa Iyo Tatay

Likha at Hambag ni : Eden Diao Apostol


Isang dekada na ang nakakaraan
Mula ng kami ay iyong nilisan
Sa paningin di na matanaw kailanman
Subali't sa puso nakaukit iyong pagmamahal.
Tanda ko pa buhay nating maralita
Na kung tawagin isang kahig isang tuka
Hindi naging dahilan upang sumuko ka
Bagkus ay tumatag naroon ang pag asa.

Mga unos at bagyo dumating sa ating buhay
Naroong ikaw ay susuray suray
Ngunit hindi tuluyang ikaw ay nabuway
Mga paghihirap naging hamon upang tumibay.
Munti mong pangarap para sa iyong mga supling
Ika'y nagsikap di alintana mga suliranin
Tanging nasa isip magbabago ihip ng hangin
At laging dasal hirap ay malalampasan din.
Hindi ka man perpekto bilang isang ama
Mayroon ding pagkakamali ngunit agad ay naitama
Hindi nakalimot sa Diyos na may likha
At hindi ipinagpalit mga mahal mong pamilya.

Pagmamahal mo ay di kayang suklian
Utang nming buhay hindi kayang bayaran
At iyong mga pangaral ay hindi malilimutan
Ito ay babaunin hanggang kamatayan.

Dalangin namin…